Nagbabala si Manila City Mayor Isko Moreno laban sa mga mandurukot at pasaway sa paparating na Undas.
Kasabay ito ng inspeksyon ng alkalde sa Manila North Cemetery bilang paghahanda sa Undas 2025 nitong Huwebes, Oktubre 30.
Ayon sa alkalde, huwag nang balakin ang pandurukot.
Biro niya, baka sila na ang dalawin sa sementeryo sa susunod na taon.
Binigyang-diin ni Domagoso na nararapat lamang na magkaroon ng mapayapang oras ang mga bumibisita upang mag-alay ng respeto sa kanilang mga mahal sa buhay nang walang pangamba na mabiktima ng pandurukot.
Muli ring iginiit ng alkalde ang kanyang babala, sabay paalala sa mga pasaway na magbago na dahil hindi titigil ang mga awtoridad sa pagtugis sa sinumang manggugulo o mambibiktima sa mga bisita ng sementeryo.
Samantala, tiniyak naman niya na all set na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Undas.
