MMDA pinayagan ang 24/7 access ng mga provincial buses sa EDSA sa November 1 at 2

Para ma-accommodate ang dagsa ng mga biyahero ngayong Undas, pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA nang 24/7. Epektibo ito mula 10 p.m. ng Oktubre 30 hanggang 5 a.m. ng Nobyembre 3.


Humiling ng permiso ang grupo ng mga bus operators na Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc. para matiyak ang sapat na biyahe sa gitna ng posibleng mabigat na trapiko, road repairs, at masamang panahon. Nangako rin silang susundin ang “nose-in, nose-out” rule ng MMDA.


Ayon sa traffic plan, hanggang Cubao lang ang buses mula North Luzon, habang hanggang Pasay o PITX lang ang mula South Luzon. Layunin ng hakbang na maibsan ang sikip ng trapiko at maging maayos ang daloy ng biyahe ng libo-libong uuwi sa long weekend. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *