Allyssa Valdez walang balak magretiro!

Tiniyak ni volleyball star Alyssa Valdez na hindi pa siya aalis sa laro. “Mas okay na ako, recovering well, at gusto kong maglaro nang mas matagal,” aniya.
Pagdating sa kanyang legacy, gusto niyang maalala bilang isang player na hindi sumusuko at nagdadala ng saya sa laro. Gayunpaman, inamin niyang nakakatakot ang buhay pagkatapos ng volleyball. “Alam kong hindi ko kayang mahiwalay sa sport, pero kailangan kong paghandaan ang retirement,” aniya.
Kaya ngayon pa lang, sinisimulan na niyang mag-explore ng ibang larangan tulad ng hosting at negosyo. Patuloy rin siyang nagtuturo sa mga batang atleta para maipasa ang pagmamahal niya sa volleyball. –via Allan Ortega | Photo via pvl.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *