LPA namataan sa labas ng PAR, 4 weather systems magpapaulan sa bansa

Nagbabala ang PAGASA ngayong Huwebes na may binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).


Ito ay nasa 1,525 km silangan ng Northern Mindanao at mababa ang tsansang maging bagyo sa loob ng 24 oras.


Pero kahit mababa ang banta ng bagyo, apat na weather systems nakakaapekto sa bansa kaya posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa mula sa katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.
Sa Visayas, Mindanao, Bicol Region, Mimaropa – Maulap na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms dahil sa ITCZ. Batanes, Cagayan, Ilocos Norte – Maulap na may pag-ulan dahil sa Amihan (Northeast Monsoon). Metro Manila, Calabarzon, Aurora, Isabela – Maulap na may scattered rains at isolated thunderstorms at sa iba pang bahagi ng Luzon – Posibleng localized thunderstorms.


Sa Extreme Northern Luzon katamtaman hanggang malakas ang hangin; moderate to rough seas at sa natitirang bahagi ng bansa banayad hanggang katamtaman ang hangin; slight to moderate coastal waters.


Paalala ng PAGASA, palaging maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na madalas daanan ng ulan! | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *