Timbog sa interdiction operation ang isang Ugandan citizen sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos makitaan ng umano’y P42.5 million na halaga ng hinihinalang shabu.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon sa Customs Exclusion Room, Arrival Area ng NAIA Terminal 3 bandang 8 PM noong Martes, October 28.
Nakuha sa luggage na si alias “Adnan”, isang 45-year old na Ugandan businessman, ang 6,250 grams ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na nakapaloob sa limang improvised packaging tape bags at nakatago sa mga damit, laruan, at iba pang mga personal na kagamitan.
Ipapadala ang mga hinihinalang ilegal na droga sa PDEA Laboratory Service para sa chemical analysis. Ang inarestong suspek naman ay sasailalim sa inquest proceedings for importation of dangerous drugs sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Kai Diamante
