Nasungkit ng Italy-based na Filipina rhythmic gymnast na si Jasmine Althea Ramilo ang gold at silver medals sa 4th International Rhythmic Gymnastics Tournament Viravolta-Jael sa Santiago de Compostela, Galicia, Spain noong October 25-26.
Matapos ang kanyang matagumpay na pagtatanghal sa Spain, muling sasabak sa pageensayo si Ramilo sa ilalim ng kanyang Italian coach na si Claudia Mancinelli para sa isa pang kompetisyon sa Germany sa susunod na buwan.
Tatlong medalya na ang nasungkit ni Ramilo mula pa noong February 2 ngayong taon, kasama na ang isang gold sa International Rhythmic Gymnastics Tournament – Olympic 74 Cup sa Soffia, Bulgaria.
Tumungtong naman si Jasmine sa 9th place sa Asian Rhythmic Gymnastics Championships sa Singapore at nakasungkit ng dalawang medalya sa Liga Iberdrola sa Spain noong May. | via Kai Diamante
