Manny Pacquiao, iniluklok na VP ng International Boxing Association

Opisyal nang iniluklok bilang bise presidente ng International Boxing Association (IBA) si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Isinagawa ang kanyang pagtatalaga sa pagpupulong ng IBA Board of Directors sa Maynila kahapon, October 27.

Bahagi ito ng kampanya ng organisasyon upang gawing mas propesyonal ang boksing, palawakin ang oportunidad ng mga atleta, at panatilihing malaya sa impluwensiya ng pulitika.

Kasama ni Pacquiao si IBA President Umar Kremlev sa pagbuo ng mga programang para sa kapakanan ng mga atleta at sa pagpapaunlad ng boksing sa loob at labas ng bansa.

Sa isang social media post, nagpasalamat ang boxing legend sa tiwala at pagkakataon, at hangad niyang maging inspirasyon sa bagong henerasyon ng mga boksingero.

Bilang bise presidente ng IBA, gagampanan ni Pacquiao ang pagsulong ng mga layunin ng organisasyon. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *