Fiscal reforms magpapatatag sa bansa, ayon sa DBM

Nanindigan si Budget Secretary Amenah Pangandaman na mananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga hamon sa global market dahil sa mga repormang nakasentro sa fiscal integrity at mabuting pamamahala.

Sa 2025 Fiscal Policy Conference ng Department of Budget and Management (DBM), binigyang-diin ni Pangandaman na bagama’t may mga banta sa ekonomiya at pulitika, nananatiling matatag ang Pilipinas dahil sa maingat na pamamalakad ng pondo at mataas na antas ng employment.

Ayon kay Pangandaman, patuloy na isusulong ng DBM ang mga reporma tungo sa transparent governance kung saan ang bawat pisong ginagastos ay may accountability

Samantala, ibinahagi rin ng mga eksperto tulad nina Prof. Solita “Winnie” Monsod at Dr. Jesus Estanislao ang panawagan para sa mas mahigpit na monitoring, matatag na liderato, at pangmatagalang pananaw sa pag-unlad. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *