Davao Oriental, nagpatupad ng mas mahigpit na restriksyon sa mga pagtitipon matapos ang lindol

Naglabas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental ng Executive Order No. 77, Series of 2025, na nag-aatas sa lahat ng pampamahalaan at pribadong ahensya sa lalawigan na iwasan ang pagsasagawa ng mga aktibidad at iba pang kaganapan sa mga matataong lugar.

Nilagdaan ni Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang ang ordinansang ito bilang mahalagang hakbang sa pag-iingat sa kamakailan lang na mga paglindol na tumama sa lalawigan.

Layunin ng ordinansa na siguraduhin ang kaligtasan ng publiko at maaring karagdagang panganib mula sa patuloy na mga aftershock at mga isinasagawang rehabilitasyon.

Bilang bahagi ng patuloy na pagsasagawa ng mga hakbang tungkol sa disaster response, opisyal na ipinagkaloob ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang 410 modular tents at 276 shelter-grade tarpaulins sa mga naapektuhan ng lindol nitong nakaraang Oktubre 10.

Ipinahayag naman ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagpapadala ng extended assistance ng LandBank of the Philippines sa mga komunidad na naapektuhan ng lindol, kabilang ang P3.2 milyon bilang financial aid at P3.1 milyon halaga ng relief packs para sa mga naapektuhang komunidad sa Davao Oriental.

Habang nagpapatuloy ang pagrekobera ng Davao Oriental, muling nanawagan ang pamahalaang panlalawigan sa mga residente na palagiang unahin ang kanilang kaligtasan.
at makiisa sa mga kolektibong pagsasaayos ng komunidad. | via Anne Pauline Jabrica

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *