Ipinatigil muna ng Department of Justice (DOJ) ang paghahanap sa mga labi ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake dahil sa masamang panahon at patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Ayon sa DOJ, iniulat ng Philippine Coast Guard na delikado na ang kondisyon ng panahon sa lugar, kaya’t imposible ang pagpapatuloy ng underwater search.
Sa ngayon, nakahanda na lamang ang mga search team at naka-standby para ipagpatuloy ang operasyon sakaling bumuti ang lagay ng panahon.
Matatandaang nagsimula ang malawakang paghahanap matapos isiwalat ng whistleblower na si Julie Patidongan na higit 100 katao, at hindi lang 34, ang itinapon umano sa Taal Lake mga sabungerong hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng hustisya. | via Ghazi Sarip
