99 newly hired official, pinagbibitiw ni Ombudsman Remulla

Pinagbibitiw ang 99 na bagong opisyal na kakapasok pa lamang sa ahensya ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Sa kanyang inilabas na kautusan noong October 22, 2025, isang linggong palugit ang binigay ni Remulla sa mga ito upang magsumite ng courtesy resignation.

Kabilang sa mga pinagbibitiw ay dalawang assistant ombudsmen, apat na director, tatlong graft investigation officers, at mahigit 90 prosecutors at special investigators na may sahod mula ₱111,000 hanggang ₱180,000 kada buwan.

Ang naturang mga opisyal ay itinalaga umano ilang araw bago magretiro si dating Ombudsman Samuel Martires, dahilan para tawagin silang mga “midnight appointees.”

Ayon kay Remulla, aabot sa 204 empleyado ang sakop ng naturang hakbang.

Kasama rin sa pinagsusumite ng resignation ang mga empleyadong may salary grade 24 pababa o kumikita ng ₱85,000 kada buwan.

Giit ni Remulla, layunin ng hakbang na linisin at ayusin ang hanay ng Ombudsman. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *