Remulla cancer-free na ng isa’t kalahating taon

Tiniyak ng Office of the Ombudsman sa publiko na nasa mabuting kalusugan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla, matapos lumabas ang ulat tungkol sa kanyang dating sakit na blood cancer noong 2023.
Sa pahayag nitong Lunes, Oktubre 27, sinabi ng opisina na cancer-free na si Remulla sa loob ng isa’t kalahating taon. Nilinaw din nila na ang kamakailang pahayag ng Ombudsman ay nasa past tense dahil tumutukoy ito sa panahong bago pa siya maupo sa puwesto.

Noong Oktubre 24, ibinunyag ni Remulla na siya ay na-diagnose noon ng leukemia matapos sumailalim sa quintuple bypass surgery. Ganap umano siyang gumaling matapos ang chemotherapy at bone marrow transplant kung saan ang kanyang anak ang naging donor.

Matatandaang nag-wellness leave si Remulla noong Hunyo 2023 matapos matuklasang may bara sa kanyang puso.

Dating kongresista ng Cavite at Secretary of Justice, itinalaga siyang Ombudsman nitong Oktubre 7, 2025. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *