DOTr at PPA, nag-inspeksyon sa Batangas port para sa undas 2025

Ininspeksyon nina Department of Transportation (DOTr) Acting Sec. Giovanni Lopez at ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago ang passenger terminal ng Batangas Port ngayong araw bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.

Kasama sa kanilang ininspeksyon ang mga barko dahil sa inaasahang dagsa ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Tinatayang aabot sa 2.2 milyong pasahero ang babiyahe sa Batangas Port mula October 27 hanggang November 5, ayon sa PPA.

Ayon kay Santiago, layunin ng PPA na tiyakin ang ligtas, maayos, at maginhawang biyahe ng bawat pasahero.

Dagdag pa niya, handa ang ahensya na maghatid ng tapat at dekalidad na serbisyo sa mga Pilipino.

Tiniyak din ni Santiago na naka-full manpower deployment ang lahat ng Port Management Offices (PMOs) para sa tuloy-tuloy na operasyon.

Alinsunod ito sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2025 ng DOTr. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *