PBBM dumalo sa 22nd ASEAN-India Summit

Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 22nd ASEAN-India Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong October 26, 2025, kasama ang mga lider ng ASEAN.

Nagpasalamat ang mga lider ng ASEAN kay Prime Minister Narendra Modi sa mahalagang papel ng India sa pagpapaunlad ng rehiyon, na itinuturing na puwersa ng katatagan, kasaganaan, at paglago ng ekonomiya.

Bilang Country Coordinator para sa ASEAN-India Dialogue, binigyang-diin ni Marcos na malaki ang maiaambag ng India sa ASEAN, lalo na’t inaasahang magiging ika-apat na pinakamalaking ekonomiya sa mundo ito.

Ayon kay Marcos, dapat tignan ng ASEAN ang India bilang katuwang sa pagharap sa mga magkakatulad na isyu, lalo na sa maritime cooperation at mapayapang pagresolba ng mga sigalot sa karagatan, na mahalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng Indo-Pacific Region.

Samantala, inanunsyo ni Prime Minister Modi na ang 2026 ay magiging “ASEAN-India Year of Maritime Cooperation”, bilang pagsulong sa mga inisyatibang pangseguridad at pag-unlad sa dagat. Nangako rin siyang palalakasin ang ugnayan sa edukasyon, turismo, agham at teknolohiya, kalusugan, berdeng enerhiya, at cybersecurity. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *