NBI Jaime Santiago: Tinanggap na ni Marcos ang aking pagbibitiw

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang irrevocable resignation ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, ayon mismo sa opisyal nitong Lunes.

Ayon kay Santiago, lalabas na sa mga susunod na araw ang opisyal na kautusan para sa kanyang pag-alis, at magkakaroon na ng bagong pinuno ang NBI.

Nagpasalamat siya sa mga kawani ng ahensya sa kanilang suporta at hinikayat silang ipagpatuloy ang maayos na serbisyo.

Matatandaang noong Agosto pa siya nagbitiw sa puwesto, matapos umano siyang siraan ng mga “detractors” at mga taong may “masasamang hangarin” laban sa kanya. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *