Zaldy Co, posibleng maharap sa kaso sa Sandiganbayan —Ombudsman

Posibleng maisama si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa masasampahan ng kaso sa Sandiganbayan sa susunod na buwan, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

May kaugnayan ang isasampang kaso laban kay Co sa maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro.

Sa ngayon, hindi pa nakakauwi ng bansa ang dating kongresista.

Ayon sa Ombudsman, posible ring makansela ang pasaporte ni Co kapag tuluyan nang naisampa ang kaso laban sa kanya.

Kasabay nito, pipirmahan na rin ng Ombudsman ang suspension order laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na sangkot sa anomalya. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *