Kapasidad ng PCG, palalakasin ni PBBM

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-124th anniversary ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dagdag na barko, aircraft, at mga modernong kagamitan.

Tiniyak ni Marcos na patuloy ang pag-i-invest sa mga bagong vessel, communication system, at training facility.

Inihayag din niya ang pagpapatayo ng PCG General Hospital, Maritime Facility, Law Enforcement Training Center sa Misibis.

Binigyang-pugay din ng Pangulo ang dedikasyon ng mga kawani ng PCG, na patuloy umanong nagpapatibay sa tiwala ng publiko sa mga institusyon ng gobyerno.

Ana ng Pangulo, sa tuwing silaโ€™y naglalayag, lagi nilang paalala na poprotekahan ng Pilipinas ang tunay na atin patunay umano ng paninindigan ng bansa na ang ating karagatan ay ating ipagtatanggol. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *