Hindi muna irerekomenda ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang muling pagbubukas ng bumagsak na bahagi ng Bukidnon-Davao Road dahil sa panganib sa kaligtasan.
Ayon kay Dizon, mas pipiliin nilang magtayo ng detour road habang iniimbestigahan pa kung bakit gumuho ang slope protection ng kalsada.
Ang insidente ay naganap noong Sabado matapos ang landslide na nagdulot ng pagkasira ng malaking bahagi ng apat-na-lane na daan sa Quezon, Bukidnon.
Giit ni Dizon, base sa payo ng DENR at mga geologist, delikado pa ang lugar at hindi dapat isugal ang buhay ng mga residente.
Dagdag pa niya, bubuksan lamang ang ilang bahagi ng orihinal na daan kung ligtas na, pero wala pang tiyak na petsa kung kailan sisimulan o matatapos ang konstruksyon.
Samantala, magsasagawa rin ang DPWH ng geotechnical investigation at geophysical survey para masuri ang kondisyon ng lupa at makabuo ng ligtas na engineering solution. | via Allan Ortega
