Online scams sa paparating na Undas, tinututukan ng PNP

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para siguruhing ligtas at mapayapa ang ang publiko sa nalalapit na Undas, hindi lang sa mga sementeryo, kundi pati na rin sa social media.

Ito ay kaugnay ng kabi-kabilang mga ulat ng fake advisories at online scams na nag-aalok umano ng travel o cemetery assistance pero sa dulo panloloko pala.

Layunin ng PNP na matutukan ang mga modus kaya’t maigi nilang binabantayan maging ang social media at digital reports para maagapan ang mga banta at maling impormasyon.

Bukod dito, gagamit din ang PNP ng CCTV networks, drone footage, at mobile app data para subaybayan ang kilos ng mga tao sa transport terminals at malalaking sementeryo.

Mahigit 25,000 pulis ang ide-deploy at libo-libong assistance desks ang itatayo para sa kaligtasan ng mga biyahero. Sa ngayon, tiniyak ng PNP walang banta sa seguridad ngayong Undas. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *