BSP, may bagong alituntunin para sa Islamic banking

Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang mga bagong patakaran sa operasyon ng Islamic Banking Units o IBUs upang hikayatin ang mas maraming bangko na pumasok sa sektor na sumusunod sa Shari’ah principles kung saan bawal ang interes sa pautang.

Ayon sa BSP, hindi na kakailanganin ng hiwalay na kapital ang mga IBU dahil bahagi lamang ito ng isang umiiral na bangko. Noon, naging hadlang sa ilang institusyon ang mataas na capital requirement at komplikadong proseso.

Sa bagong alituntunin, pareho na rin ang bayad sa lisensya ng IBU sa kategorya ng kanilang bangko, at tatlong taon ang ibibigay bilang observation period para makasanayan ng mga ito ang mga ulat sa Islamic banking operations.

Hindi na rin kailangang magsumite ng hiwalay na liquidity report dahil saklaw na ito ng ulat ng kanilang “mother bank.”

Ayon sa BSP, layunin ng mga pagbabagong ito na palawakin ang Islamic finance market at maisulong ang inclusive growth at mas iba-ibang anyo ng sektor pinansyal sa bansa. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *