Dumating si King Charles III sa Roma nitong Miyerkules para sa state visit sa Vatican, kung saan makikipagkita siya kay Pope Leo XIV.
Isang makasaysayang pagbisita ito dahil siya ang unang British monarch na mananalangin sa publiko kasama ang Santo Papa mula nang humiwalay ang Church of England sa Simbahang Katolika halos 500 taon na ang nakalipas.
Ang pagbisita ay naganap sa gitna ng kontrobersiya muli sa kanyang kapatid na si Prince Andrew, kaugnay ng Jeffrey Epstein scandal.
Bilang pinuno ng Church of England, makikibahagi si Charles sa isang ecumenical service sa Sistine Chapel at Basilica of Saint Paul Outside the Walls, na layong palakasin ang ugnayan ng mga Katoliko at Anglikano.
Ang tema ng pagdiriwang “pangangalaga sa kalikasan”, adbokasiya ni Charles sa loob ng maraming taon.
Sa pagbisita, kikilalanin din siya bilang “Royal Confrater” ng isang abbey malapit sa basilica simbolo ng “spiritual communion” sa pagitan ng dalawang simbahan.
Samantala, kasabay nito ang pagbubunyag ng memoir ni Virginia Giuffre laban kay Prince Andrew, dahilan para tuluyan niyang isuko ang kanyang titulong Duke of York. Si King Charles, 76 anyos, ay patuloy namang nagpapagamot sa kanyang sakit na kanser na natuklasan noong 2024. | via Allan Ortega
