Dalawang tao ang namatay matapos mag-crash ang isang Cheyenne model plane na YV 1443 sa Paramillo Airport, Tachira, Venezuela kahapon, October 22.
Makikita sa video na nakunan ng isa sa mga nanonood na nag-crash ang aircraft habang ito’y nagte-take off at nagtangkang mag low-altitude turn upang umano’y magpasiklab sa mga observers.
Na-trigger ng impact ang langis na nasa loob ng aircraft na nagdulot ng pagsabog at pagliyab nito.
Sa ngayon iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng aksidente at pati na rin ang mga pagkakakilanlan ng mga biktimang nasawi. | via Kai Diamante
