Mahigit 100 estudyante ng Bicol University ang nahilo, nahimatay, at nasugatan matapos malanghap ang makapal na usok mula sa colored smoke bombs sa opening ceremony ng BU Olympics 2025 sa Legazpi City.
Ayon sa pulisya, dapat sana ay pang-finale ang smoke bomb effects pero maagang pinaputok kaya nagkaroon ng zero visibility at hirap sa paghinga ang mga kalahok.
Tinatayang nasa 10,000 estudyante ang nasa lugar noon.
Agad namang rumesponde ang mga ambulansya at rescue teams, at isinugod sa ospital ang mga biktima.
Dahil sa insidente, sinuspinde ng BU ang klase at mga palaro upang makapagpahinga ang mga apektado.
Tiniyak ng pamunuan na handa silang tumulong sa mga estudyanteng ginagamot at sumasailalim sa outpatient care. | via Allan Ortega
