Bubuksan na ng Philippine National Railways (PNR) sa November 5 ang bagong ruta nito mula Naga City hanggang Lupi Viejo.
Ayon kay PNR General Manager Deovanni Miranda, aabutin na lamang ng isang oras at 39 minuto ang biyahe ng mga commuters sa rutang ito, mas mabilis kumpara sa ibang mode of transportation na inaabot ng dalawang oras.
Magsasakay at magbababa ang PNR ng mga pasahero sa mga istasyon ng Lupi Viejo, Sipocot, Libmanan, Pamplona, at Naga.
Pareho rin sa mga flag stops sa Lupi Nuevo/Tapi, Malaguico, Azucena, Awayan, Mantalisay, Camambugan, Rongos, Malansad, Mambulo, Borabod at Sampaloc.
Tatlong beses sa isang araw mago-operate ang tren sa rutang ito sa mga oras na:
Naga hanggang Lupi Viejo: 4:29 a.m., 9:49 a.m., at 3:14 p.m.
Lupi Viejo hanggang Naga: 6:23 a.m., 11:43 a.m., at 5:08 p.m. | via Kai Diamante
