PBBM inilunsad ang unified RFID system para sa lahat ng toll expressway sa Luzon

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang unified RFID system na gagamitin sa lahat ng toll expressways sa Luzon para maging mas mabilis at maginhawa ang biyahe ng mga motorista.


Tinawag itong “One RFID, All Tollways”, at layong pag-isahin ang dalawang kasalukuyang sistema Autosweep (para sa Skyway at TPLEX) at Easytrip (para sa NLEX at SCTEX). Sa bagong sistema, isang RFID sticker at account na lang ang kakailanganin saan mang expressway sa Luzon.


Ayon kay Marcos, ito ang sagot sa reklamo ng mga motorista tungkol sa kalituhan at abala ng paggamit ng dalawang RFID. Libre ang pagpaparehistro, na maaaring gawin online o sa walk-in centers.


Pinuri rin ni Marcos ang pakikipagtulungan ng San Miguel Corporation at Metro Pacific Investments Corporation sa proyekto, at sinabing simbolo ito ng bayanihan at pagkakaisa.


Sa seremonya, sinaksihan ng Pangulo ang pagtanggal ng mga lumang RFID stickers at ang proseso ng online registration.


Ang proyekto ay resulta ng mahigit isang taon ng testing at koordinasyon ng Department of Transportation, Toll Regulatory Board, at mga operator ng expressway para sa tuloy-tuloy at maaasahang operasyon sa lahat ng toll road sa Luzon. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *