Sugatan ang biktima ng pamamaril sa pamamaril sa Maharlika Highway, Purok-3, Brgy. Morera, Guinobatan, Albay ngayong Lunes, October 20.
Kinilala ang biktima na si Noel Bellen Samar, 54 years old, isang lokal na media practitioner na kaugnay ng Kadunong ITV at DWIZ.
Ayon sa ulat ng Albay Police Provincial Office, nagtamo ang biktima ng tama ng bala at idinala na sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa Legazpi City.
Nagsasagawa na ngayon ang Guinobatan MPS ng manhunt operation upang matunton ang suspek sa pamamaril.
Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang motibo sa pamamaril na ito. | via Kai Diamante
