Tagumpay na nagdiwang ng kanilang ika-30 anibersaryo ang Enchanted Kingdom na may temang “Forever Enchanted.”
Sa unang araw ng kanilang 2-day celebration noong October 18 ay ni-relaunch ang “Agila the EKsperience: Saribuhay,” the first and only flying theater sa Pilipinas.
Handog nito ay aktibidad na magbigay aral patungkol sa biodiversity at likas na yaman ng bansa para sa mga bibisita sa park.
Bahagi ito ng layunin ng Enchanted Kingdom na i-promote ang turismo at kagandahan ng Pilipinas at magbigay paalala na alagaan at protektahan ang kalikasan pati na rin ang bawat buhay.
Nagpakita ng suporta si Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia Frasco sa pagsalubong ng unang araw ng selebrasyon.
Nagpasalamat naman si Nico Mamon, ang Head ng Organization Development and Corporate Planning (ODCP) at ang kasalukuyan din na Head ng Integrated Marketing ng Enchanted Kingdom, sa lahat ng dumalo, at nagbigay pugay rin sa kanyang mga magulang na sina Mario Mamon at Cynthia Mamon bilang founders ng first and only world-class theme park sa bansa.
Sa day 1 ay nagpakitang gilas ang grupong SMS at Kingsmen na pinerform ang kanilang mga bagong kanta na “Forever Enchanted” at “Enchanting Memories” bilang official theme songs sa kanilang 30th anniversary.
Nag-hatid din ng pasabog na performance ang Manila Philharmonic Orchestra pati na rin ang mahuhusay na artists na sina Rita Daniela, Rob Deniel, at Gigi de Lana at sa pagtatapos ng programa ay nagkaroon ng pinaka inaabangan na fireworks display.
Kasama naman sa inabangan sa pangalawang araw ng selebrasyon ang performances ng G-force at mga bandang Over October, Cup of Joe, at Parokya ni Edgar. | via Andrea Matias
