Sen. Hontiveros, naglabas na ng 2024 SALN

Isinapubliko na ni Senator Risa Hontiveros ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa taong 2024 bilang bahagi umano ng kaniyang paninindigan sa transparency at accountability sa taumbayan.

Sa inilabas na dokumento, makikita ang kabuuang yaman at mga ari-arian ni Hontiveros.

Kaugnay nito, matatandaang inanunsyo ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ilalabas ang SALN ng mga senador.

Gayunman, nilinaw ni Sotto na boluntaryo ito at ginagalang ang desisyon ng mga senador kung nais nilang isapubliko o hindi ang kanilang SALN.

Isa na rito si Senator Robin Padilla na una nang nagpadala ng liham sa Senate Secretary na isapubliko rin ang kaniya bilang pagsuporta sa layunin.

Samantala, umaasa si Hontiveros na susundan ito ng iba pang opisyal upang maipakita ang katapatan sa serbisyo publiko. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *