Business groups nanawagan kay PBBM: Palakasin ang ICI

Mahigit 30 business groups ang nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng buong legal na kapangyarihan para magsagawa ng mabilis at malayang imbestigasyon sa malawakang katiwalian sa mga proyekto ng flood control at imprastruktura.


Sa isang joint statement, sinabi ng mga grupo na ang “historic at massive corruption scandal” ay sumisira sa tiwala ng publiko at nagbabanta pa sa pambansang seguridad.

Hinimok nila ang Pangulo na bigyan ng ganap na awtonomiya ang ICI upang maimbestigahan ang mga iregularidad at maisulong ang pagsasampa ng kasong kriminal, sibil, o administratibo laban sa mga sangkot anuman ang posisyon o koneksyon.


Kabilang din sa kanilang panawagan ang pagpapatupad ng mga reporma para mabawi ang ninakaw na pondo, palakasin ang procurement at oversight systems, at magkaroon ng regular na public updates sa mga imbestigasyon.


Binubuo ang mga lumagda ng mga pangunahing samahan sa negosyo tulad ng Makati Business Club, Management Association of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry, Employers’ Confederation of the Philippines, at iba pa.


Giit ng mga grupo, bilyon-bilyong pondo ng bayan ang nasasayang sa “ghost projects” at substandard na imprastruktura. “Ito ay higit pa sa pagkalugi. ito ay pagtataksil sa tiwala ng publiko,” panawagan nila. “Mr. President, panahon na po para sa tunay na aksyon para sa hustisya at tapat na pamahalaan.” | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *