PBBM, binuksan ang Phase 4 ng Pasig River Rehab

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ang Phase 4 ng Pasig River Rehabilitation Program.

Isinagawa ito sa Lawton Ferry Station kung saan tampok ang bagong 530 metrong bahagi mula Central Post Office hanggang Arroceros Forest Park.

May mga walkway din, bike lane, at espasyo para sa maliliit na negosyo.

Ayon kay PBBM, ang progreso minsan ay hindi pagbuo ng bago kundi pagbabalik ng dating ganda nito.

63 pamilyang dating nakatira sa paligid ng ilog ay nailipat na sa Naic, Cavite.

Kasabay nito, isinusulong din ng gobyerno ang electric ferry na M/B Dalaray at ang AI-powered ClearBot para linisin ang ilog.

Samantala, kasama sa plano ng Pangulo katuwang si dating Mayor Isko Moreno, na lumikha pa ng mga berdeng espasyo sa Maynila kabilang ang pag-convert ng Intramuros Golf Course bilang public park. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *