Habeas corpus petition ni Curlee Discaya, binasura ng Pasay RTC

Mananatili sa kustodiya ng Senado ang contractor na si Curlee Discaya matapos ibasura ng Pasay City Regional Trial Court ang habeas corpus petition na inihain ng kanyang kampo.

Batay sa desisyong inilabas ng Pasay City RTC Branch 498, walang sapat na ebidensya na magpapatunay sa argumento ni Discaya na grave abuse of discretion ang paglalagay sa kanya sa kustodiya ng Senado.

Matatandaan na si Discaya ay ipina-cite in contempt ng Senado dahil sa pagsisinungaling nang tanungin siya ng Senate Blue Ribbon Committee kung bakit hindi dumalo sa pagdinig ang kanyang asawa noong September 18. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *