2 araw mawawalan ng tubig sa Metro Manila at Cavite

Magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila at Cavite mula Marso 4 hanggang 5, ayon sa Maynilad Water Services Inc.
Isasagawa ng Maynilad ang dredging o paghuhukay upang alisin ang naipong putik at dumi sa ilalim ng Laguna de Bay. Layunin nito na mapanatili ang malinaw at maayos na daloy ng tubig.
Apektado ang ilang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Bacoor, at Imus. Pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang nakatakdang pagkaantala ng serbisyo.
Para sa buong listahan ng maaapektuhang lugar, maaaring bisitahin ang opisyal na social media ng Maynilad. Magpapadala rin sila ng mobile water tankers sa piling lokasyon para sa karagdagang suplay ng tubig. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *