2 nawawalang OFW sa Hong Kong, natagpuan na

Natagpuan nang ligtas ang dalawang Overseas Filipino Worker (OFW) na naunang naiulat na nawawala sa Hong Kong.

Kinumpirma ito ng Philippine Consulate sa Hong Kong matapos halos dalawang linggong nawala sina Imee Mahilum Pabuaya, 23, at Aleli Perez Tibay, 33.

Matatandaang huling nakita sina Pabuaya at Tibay noong October 4 sa Tsuen Wan District matapos mag-hiking, ayon sa Migrant Workers Office (MWO).

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac nitong Biyernes, October 17, natagpuan kagabi ang dalawa.

Aniya, sinundo sila sa police station at ngayo’y nasa kustodiya na ng MWO-OWWA sa Hong Kong.

Wala pang ibinibigay na detalye hinggil sa mga pangyayari ng kanilang pagkawala.

Samantala, sinigurado ni Cacdac na nasa maayos na kondisyon at ligtas ang dalawang OFW. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *