Dagdag-sahod sa Central Luzon at SOCCSKSARGEN, asahan sa susunod na buwan

May aasahang dagdag-sahod ang mga minimum wage earner sa Central Luzon simula sa susunod na buwan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ay matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) ang P50 hanggang P80 arawang dagdag-sahod sa rehiyon.

Ayon sa DOLE, magiging P14,215 hanggang P14,868 ang buwanang minimum wage sa sektor ng agrikultura habang P14,607 hanggang P15,650 sa non-agri sector.

Inaprubahan din ng regional wage board sa SOCCSKSARGEN ang P30 hanggang P33 araw-araw na pagtaas ng sahod sa rehiyon na nagtaas ng buwanang minimum na sahod sa P11,555.

Maging ang tinatayang 153,450 kasambahay sa Central Luzon at SOCCSKSARGEN ay makakatanggap din ng wage hike na โ‚ฑ500 at โ‚ฑ1,000 hanggang โ‚ฑ1,500. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *