Inilatag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga plano para maibsan ang inaasahang pagsikip ng daloy ng trapiko sa mga kalsada sa Metro Manila sa darating na Christmas season.
Sa naging pagpupulong ng MMDA kasama ang mga mall operator, napagkasunduan na ia-adjust na ang mall hours mula 11AM hanggang 11PM simula November 17 hanggang January 25 maliban na lamang sa weekend at holidays.
Bukod dito, tuwing weekend lamang pahihintulutan ang mga sale sa mga mall.
Samantala, papayagan naman ang pagdaan ng mga bus sa EDSA mula December 20 ng 10PM hanggang 5AM habang 24 oras naman sa December 24 hanggang January 2. | via Alegria Galimba
