Inaasahan ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng P0.60 hanggang P0.80 kada litro, habang bahagyang tataas naman ang gasolina ng hanggang P0.20 kada litro.
Paliwanag ni Bellas, bumagsak ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa pangamba sa demand bunsod ng US-China trade tensions, at takot sa sobrang supply pagsapit ng 2026 ngunit kahit bumaba ang presyo ng gasolina sa rehiyon.
Samantala, nananatiling matatag ang demand sa Asia, lalo na sa Indonesia, Middle East, Africa, at Europe, kaya’t nananatiling mataas ang presyo sa ilang bahagi. | via Ghazi Sarip
