Naaresto ng CIDG Anti-Organized Crime Unit (AOCU) ang dalawang Chinese na suspek sa umano’y pagsasagawa ng illegal practice of medicine sa Rise Salon and Spa sa Fort Palm Spring, Taguig City.
Kinilala ang babaeng suspek na si “Zhang” at ang lalaking suspek na si “Cong” na parehong nasa legal na edad, na nahuli sa kalagitnaan ng pag-administer ng facial injection nang walang necessary license, permits, o registrations mula sa proper Philippine authorities.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang vials ng injectable substance, hair removal machine, magnetic therapy machine, cosmetic products, at iba pang kaugnay na equipment.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 2382 (The Medical Act of 1959) for acts constituting illegal practice of medicine. | via Kai Diamante
