Informal settlers, lubhang maaapektuhan sa ‘The Big One,’ ayon kay SILG Remulla

Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na unang mapupuruhan ang mga informal settlers sakaling dumating ang “The Big One.”

Ito ay bunsod ng istruktura ng kanilang mga tahanan, dinagdagan pa ng minsan nilang paggamit ng kerosene o iba pang gamit sa pagluluto na maaaring magdulot ng panganib.

Ani Remulla, marapat umanong i-update na ang mga building code sa mga munisipalidad.

Dagdag pa niya, ang DILG ay maglulunsad ng infrastructure audit sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon kasama ang mga grupo ng engineers at mga paaralan. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *