Muling pinahanga ng SB19 ang fans matapos nilang ilabas ang teaser ng kanilang bagong single na “DAM” noong Pebrero 27. May kakaibang fantasy vibes ang video, na inihalintulad ng netizens sa “Game of Thrones” at “Lord of the Rings” dahil sa napakagandang set design at visual effects.
Hindi lang visuals ang bumihag sa fans—pati ang music ay puno ng intensity at excitement, tila naghahanda sa isang malaking labanan. Sa loob ng ilang oras, nakalikom na ito ng 61,000 views at 24,000 likes sa YouTube, habang trending din sa social media.
Nagpakilig din ang grupo sa kanilang teaser photos, kung saan naka-costume silang parang mga maharlikang mandirigma. Maraming netizens ang nagsabi na hindi na lang sila “Kings of P-pop,” kundi “charismatic lords” na rin.
Ang opisyal na music video ng “DAM” ay ilalabas sa Pebrero 28, 12 p.m. Bukod dito, magre-release rin sila ng EP na “Simula at Wakas” sa Abril 25 at magsisimula ng kanilang concert tour sa Mayo 31, kaya tiyak na magiging isang malaking taon para sa A’TIN ang 2025! – via Allan Ortega | Photo via MetroScene
SB19 nagpakilig sa “DAM” MV teaser
