Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Surigao del Norte bandang alas-7:03 ng umaga, ngayong Biyernes, October 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Namataan ang sentro ng lindol sa layong 13 kilometers timog-silangan ng General Luna, Surigao del Norte, sa lalim na 10 kilometro.
Samantala, naitala ang Intensity V sa Basilisa, Cagdianao, Dinagat, San Jose sa Dinagat Islands, at Claver sa Surigao del Norte.
Naramdaman din ang pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao at Visayas kabilang na ang Butuan, Surigao City, Tacloban, at Cagayan de Oro na may Intensity II hanggang IV.
Sa ngayon, patuloy ang pag-antabay ng PHIVOLCS sa posibleng aftershocks habang pinapayuhan naman ang publiko na manatiling alerto at handa sa anumang lindol. | via Ghazi Sarip
