Ibinunyag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nag-freeze ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng tinatayang ₱5 bilyong halaga ng assets na konektado sa mga anomalya sa flood control projects. Ayon kay ICI executive director Brian Keith Hosaka, ang halagang ito ay binubuo ng mahigit 2,800 accounts na pinaniniwalaang sangkot sa mga kuwestiyonableng transaksyon.
Wala pang detalye kung ilang indibidwal ang may kinalaman sa mga frozen accounts, pero tiniyak ni Hosaka na patuloy ang koordinasyon ng 18 ahensiya ng gobyerno kabilang ang DOJ, DPWH, COA, BIR, at NBI para mabawi ang pera ng bayan. Dagdag pa ni Hosaka, hindi pa matukoy ang eksaktong target na halaga dahil “moving target” umano ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | via Allan Ortega
