Personal na nagtungo ang National Commission of Senior Citizens o NCSC sa tahanan ng mga Senior Citizens upang ipamahagi ang cash gift alinsunod sa Republic Act 11982 o Expanded Centenarians Act.
Ito’y sa pamamagitan ng pakikipagkoordinasyon sa kani-kanilang Office of the Senior Citizens Affairs o OSCA sa bawat lugar.
Layunin nito umano na matiyak na maayos na matulungan ang mga Pilipinong umabot sa edad na 100 pataas bilang mga saksi ng kasaysayan at ehemplo ng tibay at pag-asa.
Ayon sa NCSC, patunay ito na hindi nakakalimutan ng pamahalaan ang mga Centenarians na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon. | via Ghazi Sarip
