Sinalakay ng mga tauhan ng Mountain Province Provincial Police Office at PDEA Cordillera, sa bisa ng search warrant ang isang bahay sa Sitio Junction, Sinto, Bauko kahapon Oktubre a-15.
Nasabat dito tinatayang 15 milliliters ng hinihinalang liquid shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱93,000, kasama ang mga drug paraphernalia. Naaresto rin ang 28-anyos na lalaki na residente ng naturang lugar.
Ang operasyon ay naganap ilang oras lang matapos ang isa pang raid sa parehong bayan kung saan nasamsam din ang iba’t ibang uri ng droga na aabot sa ₱179,000 ang halaga.
Sa ngayon, ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Ghazi Sarip
