Fil-Am Coach Erik Spoelstra, bagong head coach ng USA Basketball Team!

Kinumpirma ng USA Basketball Board of Directors ang pagtatalaga kay Filipino-American at Miami Heat Coach Erik Spoelstra bilang bagong head coach ng USA Basketball Team para sa 2027 World Cup sa Qatar at 2028 Olympics sa Los Angeles.

Papalitan ni Spoelstra si Steve Kerr, na nagtapos sa limang sunod na Olympic gold medals ng Team USA matapos ang tagumpay sa Paris Games 2024.

Si Spoelstra ay matagal nang bahagi ng coaching staff ng Team USA mula pa World Cup 2023 sa Pilipinas at Olympics 2024, kaya hindi na bago sa kanya ang papel ng liderato.

Sa kasaysayan, siya ang ikatlong head coach ng Team USA na mamumuno sa Olympics na gaganapin sa sariling bayan. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *