Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ang electronic food vouchers para sa humigit-kumulang 750,000 benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP) na kampanya ng pamahalaan laban sa kagutuman.
Bahagi ito ng Reducing Food Insecurity and Undernutrition with Electronic Vouchers o REFUEL Project na layong makapagbigay ng P3,000 halaga ng buwan-buwan na digital food credits sa bawat pamilya.
Ayon kay PBBM, patuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga Pilipinong nangangailangan.
Umaasa ang pangulo na mas bababa pa ang hunger rate sa pagtatapos ng taong 2025.
Dagdag pa niya, unti-unting natutupad ang pangarap niya na walang pamilyang Pilipino ang magugutom.
Ipinatupad ang programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, katuwang ang Asian Development Bank o ADB. | via Andrea Matias
