CIDG nasabat ang P7.5 milyon halaga ng nire-refill na LPG tanks at kagamitan sa Batangas

Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang P7.5 milyon halaga ng ipinagbabawal na LPG tanks at refilling equipment sa San Jose, Batangas, ayon sa CIDG nitong Miyerkules.


Ayon kay Maj. Helen dela Cruz, resulta ito ng operasyon noong Oktubre 9 sa Sitio Ibaba, Barangay Natunuan, kung saan tatlong suspek dalawang lalaki at isang babae ang naaresto.


Paliwanag ni Dela Cruz, walang lisensiya mula sa Department of Energy ang mga nahuling nagre-refill, kaya delikado ito sa kaligtasan ng publiko dahil hindi nasusuri o nare-regulate ang mga tangke.


Kasong paglabag sa Republic Act 5700 (regulasyon ng compressed gas containers) at RA 8293 (Intellectual Property Code) ang kinakaharap ng mga suspek dahil sa trademarked cylinders na ginamit.
Paalala ng CIDG sa publiko, bumili lamang ng LPG sa mga rehistrado at awtorisadong refillers upang makaiwas sa panganib. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *