Bumagsak ang trust rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte, ayon sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas ngayong Oktubre 15.
Isinagawa ang survey mula Setyembre 24 hanggang 30 sa 1,500 adults sa buong bansa.
Lumabas na 43% ang nagtitiwala kay Marcos bumaba mula 48% noong Hunyo.
Ang kanyang net trust rating ay nasa +7, pagbaba ng 11 puntos mula sa +18. Pinakamataas pa rin ang tiwala sa kanya sa Balance Luzon (+22), ngunit malaking kabawasan ito mula sa dating +40.
Sa Metro Manila, bumaba rin sa +11; habang sa Visayas (-1) at Mindanao (-21), negatibo na ang tiwala.
Samantala, si Duterte ay may net trust rating na +25 (53% nagtitiwala, 28% hindi, 18% undecided).
Pinakamalakas pa rin siya sa Mindanao (+75), pero bumaba rin mula sa +86 noong Hunyo. Sa Visayas, nasa +29 (mula +42), habang pinakamababa sa Balance Luzon (+4) at Metro Manila (+6).
Nangyari ang pagbaba ng tiwala kasabay ng malaking isyu ng korapsyon sa DPWH, kung saan bilyon-bilyong piso umano ang nawaldas sa mga “kickback scheme” ng ilang mambabatas.
Ayon sa Palasyo, napansin nila ang resulta ng survey ngunit giit nila hindi umano nakatutok si Marcos sa numero kundi sa pagtatrabaho para sa bayan. | via Allan Ortega
