Tatlong pulis ang nasawi matapos sumabog ang isang farmhouse sa Castel d’Azzano, malapit sa Verona, Italy habang sila ay nagsasagawa ng eviction.
Ayon sa mga awtoridad, napuno ng gas ang gusali at sumabog nang puwersahang buksan ng mga pulis ang pinto.
Higit sa 15 katao ang nasugatan sa insidente. Ayon kay Verona Chief Prosecutor Raffaele Tito, isang “trahedyang hindi inaasahan” ang nangyari kahit sinubukan ng Carabinieri at pulis na kumilos nang ligtas.
Naaresto ang isang babae at kapatid nitong pinaghihinalaang nagpasabog. Isa pang kapatid ang nagtangkang tumakas ngunit agad din nahuli ng pulisya.
Patuloy ang pag-rescue ng mga bumbero habang nagbabaga pa ang guho.
Nagpahayag ng pakikiramay si Prime Minister Giorgia Meloni sa pagkamatay ng tatlong Carabinieri at mga sugatan.
Ayon sa Interior Minister Matteo Piantedosi, naamoy na agad ang gas bago ang malakas na pagsabog. | via Allan Ortega
