Magkakaroon ng libreng sakay sa MRT-3 sa piling oras sa Oktubre 26, 2025, bilang bahagi ng Consumer Welfare Month, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon sa DTI, lahat ng pasahero ay maaaring mag-avail ng libreng sakay mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.
Ang inisyatibong ito ay sa pakikipagtulungan ng Department of Transportation (DOTr) at pamunuan ng MRT-3, bilang pasasalamat sa mga mamimili at mananakay. | via Allan Ortega
