Bulkang Kanlaon, nagbuga ng abo

Nakunan sa time-lapse video ang pagbuga ng abo sa bunganga ng Bulkang Kanlaon mula 6:54 AM hanggang 7:40 AM ngayong Oktubre 15, 2025.


Ayon sa Kanlaon Volcano Observatory sa Canlaon City, umabot sa 100 metro ang taas ng kulay-abong usok bago ito tangayin ng hangin patimog-kanluran.


Nanatiling Alert Level 2 ang bulkan ibig sabihin, aktibo pa ito at posible pang magkaroon ng mga susunod na pagbuga o pagsabog.


Paalala ng mga eksperto: iwasang lumapit sa 4-kilometer permanent danger zone at manatiling alerto sa mga abiso ng PHIVOLCS. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *